TILA nagpapalamig muna sa kontrobersiya si Bea Alonzo matapos pumutok ang balitang hiwalay na sila ng fiance na si Dominic Roque.
Sa instagram, ipinost ng isang fan group ang video ng pamamasyal ng aktres sa isang mall.
Bagaman walang binanggit ang nasabing fan group kung saan kuha ang video, nabatid na nasa Singapore si Bea, kasama ang kanyang pamilya.
Noong nakaraang linggo ay kinumpirma ng King of Talk na si Boy Abunda na hiwalay na sina Bea at Dominic.