IDINEKLARA ang State of Calamity sa Bulalacao, Oriental Mindoro bunsod ng epekto ng El Nino phenomenon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi ng lokal na pamahalaan ng Bulalacao, na sa ngayon ay nasa limandaang ektaryang taniman ng sibuyas na may limandaan pitumpu’t limang magsasaka, at mahigit limandaang ektarya ng palayan na may limandaan apatnapu’t limang magsasaka, ang apektado ng ng El Nino.
Bukod pa rito ang mahigit dalawampung ektarya ng iba pang mga pananim na nakaapekto rin sa dalawampu’t walong magsasaka.
Bunsod nito, inihayag ng local government na naghuhukay ngayon ang mga magsasaka para sa maaring mapagkunan ng tubig upang maisalba ang kanilang mga pananim.