22 April 2025
Calbayog City
Local

Bayad sa pagpapa-ospital ng mga mahihirap na Calbayognon, babalikatin na ng gobyerno

bayad

HINDI na magiging pahirapan pa ang pagbabayad ng mga kapos-palad na pasyente na na-confine sa pribadong mga pagamutan, ito ay dahil gobyerno na ang sasagot sa kanilang hospital bills. 

Ito ang layunin ng nilagdaang kasunduan sa pagitan ng private hospital owners sa Calbayog City at Department of Health-Region 8. Ang Kontrata ay tinawag na “Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP). 

Sa kanyang mensahe ay nagpasalamat si DOH EV8 Regional Director Exuperia Sabalberino sa inisyatiba ni Samar 1st District Representative Jimboy Tan na maisakatuparan ang naturang programa na makatutulong sa mga kapos-palad na pasyente na hindi kayang gamutin sa mga pampublikong ospital. 

Taos-puso naman ang pasasalamat ng mga hospital administrators ng Seventh Day adventist hospital of Calbayog, St. Camillus Hospital of Calbayog at West Samar Doctors Hopital sa naturang proyekto na magpapagaan sa bayarin sa pagpapagamot ng mga kapos-palad na pasyente. 

Naroon naman si Calbayog City Mayor Monmon Uy na nagpaabot din nang kagalakan sa hangarin ni Tan para sa mga Calbayognon. 

Sa nasabing aktibidad ay sinabi naman ni Vice Mayor Rex Daguman na very timely ang MOA Signing lalo’t siya na ang City Coordinator ng Tingog Partylist sa Calbayog City. 

Umaasa si Daguman na marami pang partnership ang mangyayari sa pagitan ng LGU Calbayog at ng DOH Region 8. 

Present din sa aktibidad ang City Councilors na sina Abbie Yrigon Yulo, Marc Tan at Rhena Tafalla.

Maliban sa confinement, layunin din ng MAIFIP na mapagkalooban ng libreng konsultasyon ang mga pasyente sa pribado man o pampublikong pagamutan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *