18 May 2025
Calbayog City
National

Barko ng Pilipinas, muling nakaranas ng pangha-harass mula sa barko ng China

pangha-harass ng china sa pcg

Nakaranas muli ng pangha-harass mula sa barko ng China ang barko ng Philippine Coast Guard (pcg).

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commodore Jay Tarriela, idineploy kahapon ng umaga ang BRP Cabra at BRP Sindangan para sumuporta sa rotation and reprovisioning operation ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa pahayag ni Tarriela, sa nasabing operasyon, nakaranas ng dangerous maneuvers at blocking ang mga barko ng Pilipinas mula sa Chinese coast guard vessels at Chinese maritime militia.

Nagresulta ito sa pagbangga ng barko ng China coast guard sa BRP Sindangan.

Nagtamo ng minor damage ang barko ng coast guard dahil sa insidente. Tinawag ni Tarriela na reckless at illegal ang ginawang aksyon ng mga barko ng China.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *