Narekober ng mga militar ang bangkay ng isang rebelde, kasabay ng pagkaka-diskubre sa tatlong matataas na armas, matapos ang serye ng bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro ng New People’s Army, sa Barangay Bacagay, Palapag, Northern Samar.
Ayon sa 8th Infantry Division, natagpuan din ng mga sundalo ang isang ipinagbabawal na anti-personnel mine, medical paraphernalia, mga subersibong dokumento at iba pang gamit sa pakikidigma.
Sinabi ni 8ID Spokesperson Capt. Jefferson Mariano, na nakasagupa ng militar ang nasa tatlumpung miyembro ng NPA na mula sa sub-regional guerilla unit at mga natitirang tauhan ng nalansag na front committee 15 ng Eastern Visayas Regional Party Committee na pinamumunuan ng isang Marchu Ocson, na umano’y notoryus na lider ng mga rebelde sa Northern Samar.