13 February 2025
Calbayog City
Local

Bangkay ng nawawalang rebelde, nahukay sa Southern Leyte

NAREKOBER ng pinagsamang elemento ng pulisya at militar ang bangkay ng isang nawawalang rebelde sa bulubunduking bahagi ng Barangay Sogod, sa Southern Leyte.

Nagsagawa ng paghuhukay makaraang isiwalat sa mga otoridad ng dating rebelde na si John Lamadora ang lokasyon ng katawan ni Teofulo Arbuyas, alyas “Enting,” at dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon kay Brig. Gen. Noel Vestuir, Commander ng 802nd Infantry Brigade ng army, si Arbuyas ay miyembro ng Platoon 1, Island Committee 47 ng New People’s Army (NPA) Eastern Visayas Regional Party Committee.

Sinabi naman ni Lamadora na nais na ni Arbuyas na kumalas sa kilusan para magpagamot subalit hindi ito pinayagan ng kanilang NPA Commander.

Ibinasura aniya ng grupo ang hiling ni Arbuyas, patunay na walang pakialam ang NPA sa halaga ng buhay.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *