NAREKOBER ng Israeli Army ang bangkay ng military chief ng Hamas na si Mohammed sa tunnel, sa ilalim ng isang ospital sa Southern Gaza, kasunod ng targeted operation noong nakaraang buwan.
Isa pang senior hamas leader sa katauhan ni Mohammad Shabana, commander ng Rafah Brigade, ang natagpuan patay sa underground tunnel, kasama ang ilang pang mga militante na patuloy pang inaalam ang mga pagkakakilanlan.
ALSO READ:
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
2 ‘shadow fleet’ tankers na iniugnay sa Venezuelan oil, kinumpiska ng US
Binigyan ng Israeli Forces ang maliit na grupo ng foreign reporters ng tour sa tunnel na nadiskubre sa ilalim ng European Hospital sa Khan Younis.
Inilarawan ni Israel Defense Forces (IDF) Spokesperson, Brig. Gen. Effie Defrin, ang naturang ospital bilang Major Command and Control Compound ng Hamas.
