18 March 2025
Calbayog City
Local

Bangkay ng isang lalaki, napadpad sa karagatan ng Biliran

bangkay

NAPADPAD sa karagatan na sakop ng lalawigan ng Biliran ang bangkay ng isang lalaki na matagal nang pinaghahanap nang kanyang pamilya sa Calbayog City.

Sa post sa facebook ng Biliran Island, nakapaskil ang larawan ng bangkay na napadpad sa baybayin na sakop ng Tingkasan Balacson, Kawayan, Biliran.

Napag-alaman na ito pala ang bangkay ng 42-anyos na si Rolando Jalayahay, 42 anyos, residente ng Brgy. Cabacungan, Calbayog City na limang araw nang nawawala.

Nasa malapit sa Brgy. Hall ng Tingkasan Balacson na ngayon ang bangkay ng biktima para i-claim ng kanyang mga kamag-anak.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *