BINASBASAN at nagsagawa ng ribbon-cutting sa Samar Provincial Hospital (SPH) para sa bagong renovate na Obstetrics and Gynecology Ward.
Mayroon itong limang ward rooms na maaring tumanggap ng kabuuang tatlumpu’t anim na pasyente, isang nurse station, isang doctor’s quarter, at bagong repair na comfort rooms, mga pader, at kisame.
Maglalagay din ng air conditioning units para magbigay ng ginhawa sa mga bagong panganak na ina at mga sanggol at upang makompleto ang newborn and maternal care services sa ospital.