21 May 2025
Calbayog City
National

Bagong PNP Chief, inatasan ang mga tauhan na ibigay ang pinakamagandang serbisyo sa mga komunidad

IPINAG-utos ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa kanyang mga tauhan na ibigay ang “Best Public Service” sa mga komunidad.

Sa kanyang unang flag-raising ceremony bilang hepe ng pambansang pulisya, sa Camp Crame sa Quezon City, sinabi ni Marbil na karapat-dapat lamang na tumanggap ng dekalidad na serbisyo ang taumbayan mula sa mga pulis dahil tinaasan na ang kanilang suweldo at mayroon pa silang ibang mga benepisyo.

Aniya, pinaka-importate ay isipin nila ang kanilang trabaho at tiyaking ligtas ang mga mamamayan mula sa pagtulog hanggang sa paglabas nila ng mga tahanan.

Idinagdag ng bagong PNP Chief na ang epektibong public service sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ay mahalaga upang makuha ang tiwala at kumpiyansa ng taumbayan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *