NAOBSERBAHAN ang mabagal subalit “steady rebound” na cruise tourism sa bansa, noong 2023.
Sa datos mula sa Bureau of Immigration (BI), tatlumpu’t dalawang cruise ships ang dumaong sa iba’t ibang destinasyon sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Ang mga international cruise ships ay nagdala ng kabuuang 55,442 na mga biyahero para makita at mapasyalan ang magagandang lokasyon sa bansa.
Mas mataas ito kumpara sa 29 cruise ships na may lulang 37,374 passengers, na tinaya ng Department of Tourism para sa taong 2023.