BUMALIK sa bansa ang delegasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagtungo sa Timor-Leste nang hindi kasama si expelled Negros Oriental Cong. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Sinabi ni NBI Director Medardo De Lemos na bini-beripika pa kasi ng korte sa Timor-Leste ang request ng Pilipinas at ng Interpol para sa custody ng puganteng ex-congressman.
Si Teves na kinasuhan sa korte ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong March 2023, ay dinakip habang naglalaro ng golf sa isang driving range sa Dili, Timor-Leste noong huwebes.
Una na ring isinailalim ang dating mambabatas sa red notice ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) noong Pebrero.