BAHAGYANG tumaas ang approval ratings Nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa fourth quarter ng 2023, batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Umakyat ang approval rating ni Pangulong Marcos sa 68 percent noong December 2023 mula sa 65 percent noong Setyembre.
Tumaas naman sa 74 Percent ang approval rating ni VP Sara mula sa 73 percent sa pagitan ng tatlong buwan.
Samantala, umangat din ang trust ratings ng dalawa sa pinakamataas na lider ng bansa, kung saan 73 percent ang nakuha ni Pangulong Marcos habang 78 percent kay VP Sara.