Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nakahahawa ang anthrax mula sa tao, gaya ng sa trangkaso.
Sinabi ng DOH na ang mga taong nakakasalamuha ang mga hayop o kanilang mga produkto, gaya ng mga beterinaryo, magsasaka, mga nagta-trabaho sa livestock, at iba pa, ay mas mataas ang panganib na mahawa.
Ipinaliwanag ng ahensya na ang anthrax ay dulot ng bacterium na tinatawag na bacillus anthracis, na nagpo-produce ng spores, at ang mga hayop gaya ng livestock ang pinaka-apektado.
Idinagdag ng DOH na masyadong mababa ang panganib ng publiko na mahawa ng anthrax.
Nagbabala rin ang DOH laban sa pagkain ng hilaw o hindi masyadong nalutong karne o meat products, pati na ang contact sa livestock at labi ng mga hayop.
Mahigpit ding binabantayan ng ahensya ang reports ng anthrax cases sa ibang mga bansa.