NAKIBAHAGI si Mayor Raymund “Monmon” Uy sa Bola Kontra Droga Basketball Tournament, kasama ang mga indibidwal na nalagpasan ang paggamit ng bawal na gamot.
Bahagi ito ng selebrasyon ng 23rd Founding Anniversary ng City Drug and Prevention Rehabilitation Office (CDAPRO), sa Calbayog City Sports Center.
Umapela si Mayor Mon, kasama si City Councilor Marc Celino “Jormac” Tan, ng suporta para sa CDAPRO program at hinikayat ang mga indibidwal na tigilan na ang paggamit ng iligal na droga.
Bago ang event, nagsagawa ang CDAPRO ng surprise drug test, upang bigyang diin ang kahalagahan ng komunidad na ligtas sa ipinagbabawal na gamot.