NAGBIGAY ng update ang aktres na si Dimples Romana tungkol sa kaibigang si Angel Locsin.
Sinabi ni Dimples na masayang namumuhay si Angel nang malayo sa showbiz, subalit hindi pa rin ito buntis.
Idinagdag ng aktres na sa nangyayari sa buhay ni Angel ngayon, tinuruan siya nito na hindi lahat ng ganap sa kanyang buhay ay dapat naka-post online.
Nakakabilib din aniya dahil bihirang humawak ng cellphone ang kanyang kaibigan, at talagang nag-detoxify mula sa social media.