Nagpaalam sa huling pagkakataon si Andy Murray sa Miami Open sa pamamagitan ng ipinamalas nitong paglalaro na punung-puno ng determinasyon at husay, at nag-uumapaw na passion sa tennis.
Ang emotional exit ng British Tennis Player ang nag-alis sa kanya ng tsansa na makamit ang ikatlong sunod na panalo sa torneyo, at kauna-unahan sa loob ng mahigit isang taon.
Ramdam ni Murray na ito na ang kanyang final appearance sa lungsod na itinuturing niya na kanyang “Tennis Home.”
Ang Two-Time Miami Winner na galing sa Ankle Injury ay natalo kay Tomas Machac ng Czech matapos ang tatlong oras at dalawampu’t walong minutong laban.