Maglalaro si Charlie Woods, ang kinse anyos na anak ng 15-time major champion na si Tiger Woods, sa pre-qualifier ng US PGA Tour Cognizant Classic sa Palm Beach Gardens, sa Florida.
Si Charlie ay maglalaro sa Lost Lake Golf Club sa Hobe (howb) Sound, Florida, na isa sa apat na pre-qualifying sites.
Ang top 25 players ay aabante sa qualifier para sa PGA Tour event sa susunod na linggo, na nakatakdang isagawa simula Feb. 29 hanggang March 3 sa PGA National’s Champion Course.