13 February 2025
Calbayog City
National

Ambassador Romualdez, umaasang handa na ang Pilipinas sa pagharap sa mga banta sa WPS pagkatapos ng Marcos Administration

UMAASA si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na handa na ang Armed Forces of the Philippines, sa tulong ng Amerika, laban sa anumang banta sa West Philippine Sea (WPS), pagkatapos ng Marcos Administration.

Sinabi ni Romualdez na ang Pilipinas sa ngayon ay nasa “best relationship” nito sa US, at nire-reboot ng dalawang bansa ang kanilang relasyon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa gitna ng pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea, sinabi ng ambassador na kapwa nagpahayag ng suporta sa Pilipinas ang republicans at democrats, sa paniniwalang dapat palakasin ang armed forces upang mapagbuti ang kanilang defensive at deterrence capabilities.

Ang tinutukoy ni Romualdez ay ang bipartisan bill na unang ipinakilala ng dalawang US senators na sina Bill Hagerty ng republican at Tim Kaine ng democrat, para mabigyan ang Pilipinas ng 2.5 billion dollars para palakasin ang kanilang depensa laban sa external threats.

Ang naturang foreign military financing grant assistance mula sa Amerika ay naglalayong pagkalooban ang Pilipinas ng 500 million dollars kada taon sa susunod na limang taon hanggang 2029.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

1 Comment

  • Leo Palima Cuizon 29 April 2024

    Utot mo tanda, kulang payang bigay ng USA na 2.5Billion para itapat sa mga naglalakihang barko ng China at mga Jet fighters nila, maniwala ako kong ngayon palang mag pocus na kayo sa pagbili ng mga war equipments tulad ng: 10 Anti missiles submarines, 50 Navy vessel anti submarines, 100 F15, 200 anti submarines helis at dagdagan nyo ng 50 piraso ng BRAMOS supersonic missiles. Yan maniwala ako na ready na sa geyera ang Pilipinas, pero yang pinagmamalaki mong ayuda lang naku till that to the marines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *