7 February 2025
Calbayog City
Province

Ama at 4 na taong gulang na anak na babae, patay sa pamamaril sa Abra

PATAY ang isang ama at apat na taong gulang na anak niyang babae makaraang pagbabarilin sa harapan ng kanilang bahay, sa Dolores, Abra.

Pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin si Arnel Zapata at anak nito habang nagpapahinga sila sa folding bed sa harapan ng kanilang tahanan.

Labing isang basyo ng bala ng m-16 Rifle ang narekober ng mga otoridad sa crime scene.

Iniimbestigahan ng Dolores Police kung may kinalaman ang pagpaslang sa trabaho ni Zapata bilang ng driver sa munisipyo at nadamay lang ang anak nito.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *