TUTUKAN ngayon ni Filipina Tennis Ace Alex Eala ang doubles tournament, kasunod ng early exit sa singles tournament ng Italian Open.
Makakatambal ng disi nueve anyos na Pinay sa doubles tournament ng kompetisyon ang 2023 US Open Champion na si Coco Gauff ng America.
ALSO READ:
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Rizal Memorial Tennis CENTER, sasailalim sa testing bago ang Philippine Women’s Open
Alex Eala, aabante sa ASB Classic Quarterfinals matapos patalsikin ang 1 pang Croatian ace
Ang bente uno anyos na si Gauff ay Ranked No. 3 sa Women’s Tennis Association (WTA).
Samantala, si Eala naman ay kaaakyat lang sa career-high na No. 70.
Sisimulan nina Eala at Gauff ang kanilang doubles run laban kina Alexandra Panova ng Russia at Fanny Stollar ng Hungary sa Round of 32.
Gayunman, wala pang inilalabas na schedule para sa doubles tournament ng Italian Open.
