28 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Albie Casino, hindi apektado sa pagkamatay ni Jaclyn Jose

Dinepensahan ni Albie Casino ang hindi niya pagdalo sa burol ng veteran actress na si Jaclyn Jose, na ina ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Sinabi ni Albie na hindi kasi siya sigurado kung welcome siya sa burol ng multi-awarded actress.

Nagpakatotoo rin ang aktor nang sabihin niyang hindi naman siya apektado sa pagkamatay ni Jaclyn.

Una nang nasangkot si Albie sa paternity controversy nang mabuntis si Andi noong 2011, at siya ang itinurong ama, na mariin niyang itinanggi na nagresulta ng pambabatikos sa kanya ng publiko.

Kinalaunan ay nabunyag na si Jake Ejercito na ex-boyfriend din ni Andi ang ama ng kanyang panganay na anak na si Ellie.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *