Umakyat ng mahigit limampung porsyento o sa 50.18 million ang bilang ng air passengers sa bansa noong 2023.
Sa records ng Civil Aeronautics Board (CAB), lumobo ng 55 percent ang air travel sa Pilipinas noong nakaraang taon mula sa 32.33 million noong 2022.
Gayunman, mas mababa pa rin ang bagong pigura ng 16 percent kumpara sa pre-pandemic o 2019 level na naitala sa 60.07 million.