7 February 2025
Calbayog City
Balitang OMG

Ahas patay matapos kagatin sa leeg ng lalaking kaniyang inatake

ahas
CTTO

Isang ahas ang nasawi matapos na manlaban ang lalaking kaniyang inatake sa isang bayan sa Bohol.

Batay ulat ng Antequera Police, sakay ng kaniyang motorsiklo si Boljulio Aleria noong Miyerkules (Dec. 20) ng umaga sa Barangay Quinapon-an nang siya ay atakihin ng isang reticulated python.

Duguan ang kamay at braso ni Aleria makaraang kagatin siya ng ahas.

Matapos ito ay pinuluputan ng ahas si Aleria. 

Gayunman, gamit ang kaniyang isa pang kamay, nagawa ni Aleria na hawakan ang ulo ng ahas at manlaban. 

Nang makakita ng pagkakataon ay kinagat ni Aleria ang leeg ng ahas at makalipas ang ilang minutong pakikipagbuno ay nasawi ang ahas. 

Rumesponde naman ang mga residente sa barangay at itinakbo sa ospital si Aleria. 

Maliban sa kaniyang tinamong sugat sa braso at kamay ay nasa maayos na itong kondisyon.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *