13 February 2025
Calbayog City
National

AFP, sinupalpal ang claim ng China sa pagsasabing madaling dayain ang boses sa pamamagitan ng deep fakes

HINDI kinikilala ng Armed Forces of the Philippines ang claim ng China na pumayag umano sila sa “New Model” kaugnay ng mga hakbang sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na ang claim ng China na audio recording sa pagitan umano ni Vice Admiral Alberto Carlos at ng isang Chinese Diplomat ay hindi dapat ikabahala dahil lumilitaw na paninira lamang ito mula sa Chinese Communist Party. 

Binigyang diin ni Brawner na ang madaling mapeke ang transcripts, pati na ang audio recordings na ginagamitan ng deep fake technology.

Idinagdag ng AFP Chief na ang mga naturang report ay nagsisilbing distraction lamang upang malihis ang atensyon ng publiko sa mga agresibong hakbang ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *