KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang miyembro ng Philippine Navy ang nagtamo ng severe injury sa banggaan ng isang Chinese Chip at isang Filipino Vessel na nagsasagawa ng rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Colonel Xerxes Trinidad, ang nasugatang sundalo ay ligtas na nailikas at agad nalapatan ng lunas.
Larawan ng menor de edad na anak ni VP Sara, ginamit sa pagpapakalat ng fake news
Panukalang pagsuspinde sa excise tax, pasado na sa 2nd reading sa Kamara
Panukala kaugnay sa emergency powers, sesertipikahang urgent ni PBBM
P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr
Sinabi ni Trinidad na hindi katanggap-tanggap ang patuloy na agresibong hakbang at unprofessional conduct ng China Coast Guard sa lehitimong humanitarian mission.
Inilarawan din ng AFP Official ang insidente bilang “Intentional High-Speed Ramming” ng CCG sa ibang barko.
Idinagdag ni Trinidad na dapat iwasan ng China na palalain pa ang tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon sa source, pitong sundalo ang nasugatan sa insidente, kabilang ang isang naputulan ng daliri.
