27 April 2025
Calbayog City
National

Aerial Resupply Missions, pinag-aaralan ng Pilipinas para makaiwas sa water cannons ng China

Photo: EPA

PINAG-aaralan ng Pilipinas na magsagawa ng aerial missions para sa resupply sa BRP Sierra Madre, ang military outpost ng bansa sa Ayungin Shoal.

Ito, ayon kay National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya, ay upang maiwasan ang mga agresibong hakbang ng China, gaya ng paggamit ng water cannons.

Inihayag ni Malaya na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang adjustments, kasunod ng pinakahuling pambobomba ng tubig ng China sa mga barko ng Pilipinas na nasa resupply mission sa ayungin noong nakaraang Martes.

Sinabi ng NSC Official na magkakaroon ng operational mix, kung saan bukod sa naval resupply ay posible rin ang air drop, para mahatiran ng supply ang mga sundalong naka-destino sa BRP Sierra Madre.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *