22 April 2025
Calbayog City
National

A-O na nag-uutos ng pagpapatupad ng Government Energy Management Program, nilagdaan ni Pangulong Marcos

BATAY sa Administrative Order Number 15, inaatasan ang lahat ng national government agencies kabilang ang Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) na magdoble-kayod sa pagpapatupad ng mga solusyong binuo ng GEMP at Inter-Agency Energy Efficient and Conservation Committee.

Kabilang dito ang pagsasagawa ng energy audits at random energy spot checks mula sa certified energy auditors.

Pinagsusumite rin ang mga ahensiya ng pamahalaan ng imbentaryo  ng mga kagamitang kumokonsumo ng enerhiya tulad ng mga ilaw sa mga gusali at kalsada, heating, ventilation at airconditioning, insulation at mga sasakyan.

Pinatitiyak din ni Pangulong Marcos ang pagsunod sa mga panuntunan ng Department of Energy at pag-adopt sa low cost energy efficient measures tulad ng pagpapanatili sa 24 degrees celsius  na temperatura ng airconditioned units, pagpatay sa mga hindi ginagamit na ilaw, at pag activate ng sleep settings  sa mga kagamitan sa mga opisina. 

Kasama sa kautusan ni Pangulong Marcos sa mga ahensiya at tanggapan ng gobyerno na magtalaga ng taong magbabantay ng  kunsumo nila sa enerhiya at magri-report sa DOE sa pamamagitan ng online.

Inatasan din ni Pangulong Marcos ang DOE na makipag-tulungan sa Presidential Communications Office upang maipalaganap sa mga tanggapan ng gobyerno at sa publiko ang mga hakbang sa praktikal na paggamit ng enerhiya.

(Chona Yu)

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *