Nasabat ng Philippine Coast Guard ang nasa pitundaang reams ng smuggled na sigarilyo sa Santa Clara Port sa Allen, Northern Samar.
Ayon sa PCG, nagsasagawa ang personnel mula sa Coast Guard Intelligence Group at Coast Guard Working Dogs sa Eastern Visayas ng routine inspection nang madiskubre ang mga kontrabando lulan ng isang closed six-wheel aluminum van.
Sinabi ng PCG Northern Samar na walang naipakitang dokumento ang driver ng van na may kargang 400 reams ng black hawk platinum cigarettes, 200 reams ng platinum cigarettes, at 100 reams ng canon menthol cigarettes.