15 February 2025
Calbayog City
Overseas

5 katao, patay sa pananalasa ng buhawi sa China

HINDI bababa sa lima katao ang patay habang tatlumpu’t tatlo ang sugatan sa pananalasa ng buhawi sa Guangzhou City, sa China.

Ayon sa Xinhua News Agency, tumama ang tornado sa Guangdong, na pinakamataong probinsya sa naturang bansa.

Umabot sa mahigit isandaan at apatnapung pabrika ang nasira sa pananalasa ng buhawi, bagaman walang mga bahay na nag-collapse.

Mayroon ding mga nasirang sasakyan at mga nabuwal na puno. 

Kamakailan lamang ay dinaanan ng malalakas na pag-ulan ang Guangdong na nagdulot ng pagbaha at ikinasawi ng apat katao.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *