13 February 2025
Calbayog City
Overseas

5 katao, patay makaraang malason sa ininom na potion sa Mexico

PATAY ang lima katao makaraang malason sa ininom na potion sa isang ritwal sa Oaxaca State, sa Mexico.

Ayon sa Oaxaca State Police Chief, apat na lalaki at isang babae ang nasawi matapos uminom ng hindi tinukoy na pinagsama-samang substances sa isang “Santeria Power Ritual.”

Kaanib umano ang mga biktima sa santeria na isang paniniwala na nagmula sa Cuba nang isama ng African slaves ang Yoruba Spiritual Beliefs sa tradisyon ng mga katoliko.

Ininom ng limang biktima ang potion na kanilang tinimpla sa paniniwalang magkakaroon sila ng kapangyarihan. 

Iniimbestigahan naman ng mga otoridad ang krimen bilang group suicide.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *