22 April 2025
Calbayog City
Local

43rd Infantry “We Search” Battalion, maglulunsad ng Benefit Run sa Marso

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng kanilang 47th Founding Anniversary, maglulunsad ang 43rd Infantry “We Search” Battalion ng benefit run sa March 10.

Isasagawa ito simula sa covered court ng Barangay Tarabucan, Oquendo District, sa Calbayog City, Samar patungo sa headquarters ng 43IB sa Barangay Magsaysay, Lope De Vega, Northern Samar.

Bunsod nito, ini-imbitahan ang avid runners, professionals at amateurs, na lumahok sa naturang aktibidad, kasama ang tropa ng 43IB, mga miyembro ng partner law enforcement agencies, at civilian peace advocates.

Ang kikitain sa event ay magsisilbing additional assistance sa peace builders na nagbalik loob sa pamahalaan at nasa pangangalaga ng naturang unit ng militar.

Ang registration period ay simula Feb 23 hanggang March 5.

Para sa iba pang impormasyon, maaring bisitahin ang facebook page ng 43rd Infantry We Search Battalion.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *