15 May 2025
Calbayog City
National Weather

40-48 degrees celsius na heat index, inihalintulad ng DOH sa mainit-init na kape

heat index doh

Inihalintulad ng Department of Health (DOH) ang 40 hanggang 48 degrees celsius na heat index na nararanasan sa ilang bahagi ng bansa sa tila nakalubog sa mainit-init na kape.

Paliwanag ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo, ang normal na temperatura ng katawan ng tao ay 37°c lamang habang ang mainit-init na kape ay karaniwang nasa 50 hanggang 60°c.

Sa tala ng DOH, simula Jan. 1 hanggang Apr. 18, mayroong 34 cases ng heat-related illnesses na naiulat sa Central Visayas, Ilocos Region, at Soccsksargen.

Sa naturang bilang, anim ang nasawi, subalit isinasailalim pa sa beripikasyon ang kanilang cause of death.

Payo ng DOH, limitahan ang paglabas sa pagitan ng alas diyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon upang makaiwas sa mga sakit na dala ng napakainit na panahon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *