KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers (DMW) na apat na Filipino seafarers ang kabilang sa crew na sakay ng barkong kinumpiska ng Iranian authorities.
Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac, ang kinumpiskang barko ay ang container ship na MSC Aries.
Sinabi ni Cacdac na alinsunod sa direktiba ng Pangulo, ay nakipag-ugnayan na sila sa mga pamilya ng seafarers at tiniyak sa kanila ang buong suporta at tulong ng pamahalaan.
Idinagdag ng DMW OIC na nakikipag-ugnayan din sila sa Department of Foreign Affairs, maging sa licensed manning agency, ship manager at operator, upang matiyak ang kapakanan, pati na ang pagre-release sa mga tripulanteng Pinoy.
Sa ulat ng Reuters, isang Islamic Revolutionary Guard Corps helicopter ang sumakay sa Portuguese-flagged na MSC Aries at dinala ang barko sa Iranian waters noong Sabado.