APAT na kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei, sa gitna ng state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa nasabing bansa.
Kasunod ng pakikipagpulong ng pangulo kay Brunei Sultan Hassanal Bolkiah, sinelyuhan ang Memorandum of Understanding para sa kooperasyon sa Turismo, hinggil sa pagtutulungan sa tourism projects at pagpapataas ng tourist arrivals sa dalawang bansa.
Cebu City isinailalim sa State of Calamity dahil sa gumuhong landfill; death toll, umakyat na sa 13
Sarah Discaya, naghain ng Not Guilty Plea sa Korte sa Cebu
Pangulong Marcos, nais magkaroon ng Extradition Treaty sa Portugal para maaresto si Zaldy Co
Historic Free Trade Deal, nilagdaan ng Pilipinas at UAE
Itataguyod din ang Islamic Tourism o ang turismo sa Muslim Areas.
Sa ilalim naman ng MOU on Standards of Training, Certification and Watchkeeping Certificates, kikilalanin ng Pilipinas at Brunei ang kani-kanilang national certificates.
Nilagdaan din ang MOU on Maritime Cooperation para sa pagtugon sa polusyon, Skills Training, Research, at Information Sharing.
Sinelyuhan din ang Letter of Intent para sa renewal ng MOU sa kooperasyon sa Food Security at Agrikultura.
