NAKAPAGSARA ng 4 billion dollars na halaga ng investment si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tatlong araw na pagbisita nito sa Germany.
Walong kasunduan ang nalagdaan ng pangulo sa Philippine-Germany Business Forum sa Berlin na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sa walong kasunduan, tatlo ay pawang Letters Of Intent (LOI) mula sa iba’t ibang german companies, dalawang Memoranda of Agreement (MOA), at tatlong Memoranda Of Understanding (MOU).
Sa speech ng pangulo, inimbitahan nito ang German business leaders na mag-invest sa Pilipinas.
Ibinida din ng pangulo ang mga ipinatupad na institutional at structural changes para mas maging madali ang pagnenegosyo sa bansa.