NAKATAKDA nang umpisahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bridge project na magdudugtong sa dalawang barangay sa Calbayog City, Samar.
Ayon kay DPWH Region 8 Director Edgar Tabacon, kabuuang P150 million ang inilaang pondo ngayong taon sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA) para sa four-lane bridge component ng Calbayog City Coastal Road Project.
Ang tulay ang magdudugtong sa Barangay San Policarpo patungo sa Barangay Rawis.
May habang 90 meters ang tulay.
Ayon kay Tabacon, inaasahang magiging iconic landmark ng Calbayog City ang tulay sa sandaling matapos ito.