Tatlong magkakapatid na senior citizens ang nasawi sa sunog na naganap sa Taytay, Rizal, noong linggo ng gabi.
Nagsimula ang sunog pasado alas 9:00 ng gabi sa Barangay Dolores.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mabilis na kumalat ang apoy at tatlong bahay ang naapektuhan ng sunog.
Tatlong senior citizens ang na-trap sa loob ng nasunog na bahay. Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.