INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista na bigyan ang unconsolidated jeepneys ng tatlo pang buwan na extension para makasama o magtayo ng kooperatiba o korporasyon.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang naturang hakbang ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga nais na magpa-consolidate pero hindi nakaabot sa cut-off.
Ang extension ay magtatagal hanggang sa April 30, 2024.
Una nang nanawagan ang House Committee on Transportation kay Pangulong Marcos na ikonsidera o palawigin ang grace period para sa unconsolidated jeepneys upang sila ay makapag-operate.