TATLONG bata ang nalunod sa isang beach sa North San Juan, Barangay Centro, Agdao, sa Davao City.
Ayon sa Sta. Ana Police Station, tatlong batang lalaki, edad pito, anim, at apat, ang napaulat na nawawala, kaya nagsagawa ng search operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard.
Sunod-sunod namang natagpuan ang katawan ng mga bata, malapit sa coastal area ng Barangay Duterte.
Gayunman, idineklara silang dead on arrival sa ospital.