TINATAYANG makararanas ng banta ng tagtuyot ang dalawampu’t apat na lalawigan sa Pilipinas, sa katapusan ng Pebrero, dulot pa rin ng lumalalang epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon sa PAGASA, kabilang sa probinsyang makararanas ng tagtuyot ay ang Abra, Apayao, Aurora, Bataan, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, at La Union.
Gayundin ang Metro Manila, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Palawan, Pangasinan, Quirino, Rizal, Zambales, at Negros Occidental.