HINDI pa maaring mag-piyansa ang dalawang Pinoy na inaresto sa Japan matapos maiugnay sa pagkamatay ng mag-asawang Hapones sa Tokyo.
Ipinaliwanag ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na nasa pre-indictment detention pa lamang ang mga Pinoy at hindi pa sila nasasampahan ng kaso.
Idinagdag ng opisyal, na sa Japan, walang kasamang abogado ang persons under arrest habang ini-interview ng mga Pulis at ipinakikita ang mga ebidensya.
Sa loob aniya ng sampung araw ay maglalabas ng desisyon kung sasampahan ng kaso ang mga inaresto, kaya sa ngayon ay hindi pa oras para magpiyansa.
Dinakip ang dalawang Pinoy matapos hindi umano nila i-report sa mga otoridad ang bangkay ng mag-asawang Hapones, bagaman nakita sila sa CCTV footage.