Balik-bansa na rin ang dalawa pang Filipino seafarers na nagtamo ng serious injuries sa pag-atake ng Houthi rebels sa sinasakyan nilang barko sa Gulf of Aden.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang dalawang natitirang tripulante ng merchant ship na True Confidence ay binigyan kahapon ng clearance ng medical authorities sa Djibouti (ja-boo-tee) para makapag-biyahe.
Dumating ang dalawang sugatang seafarers sa pamamagitan ng chartered medical evacuation flight, kahapon ng ala sais kwarenta’y singko ng umaga.
Nauna nang dumating sa bansa noong Martes ang labing isang Filipino seafarers, halos isang linggo, matapos makaligtas sa missile attack ng Houthi rebels.