Dalawa ang sugatan sa sunog sa isang residential area sa Brgy. Tumana sa Marikina City.
Umabot lang sa unang alarma ang sunog na nagsimula 7:47 ng umaga ng linggo (Feb. 18) sa bahagi ng A. Santos street.
Isa sa mga nasugatan ay nagtamo ng first-degree burn, habang isang fire volunteer naman ang nasugatan sa kamay. Naideklarang kontrolado na ang sunog bago mag-alas 9:00 ng umaga.
Samantala, sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Navotas West, sa lungsod ng Navotas.
Sa inisyal na impormasyon mula sa Navotas Fire Station, ilang kabahayan sa kahabaan ng H. Monroy Street, ang naapektuhan ng sunog na mabilis kumalat.
Wala namang naiulat na nasawi sa sunog na tumagal ng halos kalahating oras. Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala sa mga ari-arian.