Dalawa ang patay nang bumangga ang isang barge sa tulay sa Pearl River Delta, malapit sa Guangzhou City, sa China, dahilan para masira ang tulay at bumagsak sa tubig ang mga sasakyan.
Ayon sa Guangzhou Maritime Safety Administration, patungong southern district ng Guangzhou ang barge mula Foshan City nang sumalpok ito sa tulay sa Hongqili Waterway.
Apat na sasakyan at isang electric motorbike ang nahulog sa tubig mula sa tulay, habang tatlong iba pa ang bumagsak naman sa barge.
Sa report ng state media, dalawa ang nasawi, isang crew member ang nasugatan, dalawang iba pa ang nailigtas, habang tatlo ang nawawala.