MULING ginamitan ng water cannons ng China Coast Guard (CCG) ang dalawang Philippine Vessels habang nasa gitna ng misyon sa Scarborough Shoal, kahapon ng umaga.
Ayon kay Commodore Jay Tarriela, Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea, nakaranas ng pambobomba ng tubig ang BRP Bagacay ng PCH at ang BRP Datu Bankaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Sinabi ni Tarriela na nasira ang railing at canopy ng BRP Bagacay habang Starboard Astern ang na-damage sa BRP Datu Bankaw.
Binigyang diin ng PCG official na ang mga pinsala sa mga barko ng Pilipinas ay malinaw na ebidensya ng malalakas na water pressure na ginamit ng CCG sa kanilang pangha-harass.