27 March 2025
Calbayog City
Province

2 bangka, huli sa iligal na pangingisda sa Zamboanga Sibugay

bangka

Dalawang bangkang pangisda ang nahuli ng Philippine Coast Guard (PCG) sa katubigan na sakop ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Nagsagawa ng operasyon ang PCG katuwang ang LGU ng Kabasalan at ang Philippine National Police (PNP) at nahuli ang dalawang motorbanca na sangkot sa tinatawag na “hulbot-hulbot.”

Ayon sa Coast Guard Station Zamboanga Sibugay, ipinagbabawal ang  paggamit ng “hulbot-hulbot” sa panghuhuli ng isda dahil mayroon itong hindi magandang naidudulot.

Sa nasabing pamamaraan ay gumagamit ang mga mangingisda ng fine mesh nets at kagamitan na maaring makasira sa marine resources.

Tiniyak naman ng PCG na magpapatuloy ang mas maigting na operasyon laban sa mga gumagamit ng ilegal na pamamaraan ng pangingisda.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *