Magsasagawa ng transport strike ang mga grupong Piston at Manibela sa susunod na linggo.
Sa harap ito ng nalalapit na deadline para sa consolidation ng Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operators.
Tatagal umano ng dalawang araw ang transport strike na magsisimula sa Lunes, April 15.
Paglilinaw ni Piston National President Mody Floranda, ang kanilang tinututulan ay franchising modernization at hindi ang mismong modernisasyon.
Una nang inihayag ni pangulong Bongbong Marcos na wala nang extension ang April 30 deadline para sa consolidation na bahagi ng PUV Modernization Program ng pamahalaan.