NAKAUWI na sa bansa ang unang batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na na-repatriate mula sa iba’t ibang bansa sa Middle East, sa gitna ng hidwaan sa pagitan ng Israel at Iran.
Mag-a-alas otso kagabi nang lumapag ang sinakyan nilang eroplano mula Qatar, sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.
Cyberlibel ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ
Interpol humihingi pa ng dagdag impormasyon sa request na red notice kay Zaldy Co
Hirit ni Dating Senador Bong Revilla na mailipat siya sa Camp Crame sinopla ng korte
Cong. Edvic Yap nagbitiw bilang kongresista; Cavite Rep. Kiko Barzaga suspendido ulit ng 60-araw
Una nang na-delay ang flight ng OFWs matapos isara ng Qatar ang kanilang airspace, matapos bombahin ng Iran ang U-base sa naturang bansa.
Ang mga umuwing OFWs ay kinabibilangan ng dalawampu’t anim mula sa Israel, tatlo mula sa Jordan, at tig-isa mula sa Palestine at Qatar.
Kasama rin nila sa flight si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na personal na inasikaso at sinundo ang mga umuwing Pinoy.
Pagkakalooban ng karampatang tulong ang mga OFW na nag-avail ng Repatriation Program ng pamahalaan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
