PATAY ang disi otso anyos na babaeng siklista makaraang mabangga ng SUV sa Bayan ng Albuera, sa Leyte.
Binabagtas ng biktima na si Sydney Bismonte, residente ng Barangay Poblacion, ang national highway lulan ng kanyang bisikleta nang masalpok ng humaharurot na SUV.
Tinangka umano ng SUV na lagpasan ang nasa unahan nitong sasakyan dahilan para mabangga ang kasalubong na babaeng siklista na nasa kabilang bahagi ng kalsada.
1 Comment